Monday, June 27, 2011

Standing Ovation

Ang pag tangap ng "Standing Ovation" ay isang malaking karangalan para sa isang artista o mang aawit na makaranas ng ganitong pambihirang pagtangap. Nuong nakaraang May 5, 2011sa programang Party Pilipinas di magkamayaw ang mga fans at studio audience sa pag palakpak at pagtayo dahil sa pambihirang rendition nya ng isa sa popular na kanta ni Beyoncé na LISTEN. Maigsi lng ang kanta dahil sa napakarami nilang naka-salang sa Production number na ito. Kasama niya ang Queen of Soul na si Jaya, Julie anne San Jose, Frecheska Farr, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Kyla, Rachelle Ann Go, ngunit si JONALYN VIRAY ang nag stand out sa segement na ito na tinawag nilang BIRIT PROD. kahit kapwa nya co- artist sa party pilipinas ay napahanga at napapalakpak ng Soul Princess.



kapansin pansin din ang napakagandang gown na suot ng soul princess kasama ang kanyang kaibingang si julie anne san jose na naka-pulang gown din. at nang dahil sa magandang kaganapang ito panay na ang request ng mga fans ng solo prod para kay jonalyn every sunday sa party pilipinas. Nakakataba ng puso dahil pag tapos ng programa nanatiling mabait at masayahin, magiliw ang soul princess sa kanyang mga fans. lagi siyang may oras sa mga ito. maalaga siya sa mga taong nag papahalaga sa kanya. Sa katunayan, kada lingo pag tapos ng programang party pilipinas sinisugurado nyang makikipag kita siya o may oras siya sa kanyang mga taga hanga at taga suporta. di nakakapag takang madaming nagkakagusto sa kanyang bagong fans dahil sa magandang pakikitungo nito sa kanila.

Nakakataba ng puso na maapreciate ka at makasama ka ng isang sikat na mang-aawit gaya ni Jonalyn Viray. Sa kabila ng kanyang Husay, galing at kasikatan nananatili syang mapag kumbaba at mapag mahal sa kapwa. ako mismo naging saksi sa pagmamahal sa kanya ng kanyang mga taga hanga at taga suporta. mabuhay ka jonalyn itinataas mo ang kalidad ng mga singer, artista at kilalang personalidad ng pilipinas.



RELATER VIDEO ENJOY

No comments:

Post a Comment