Sunday, July 17, 2011

OPEN ARMS Best Version



Kanina sa PARTY PILIPINAS First Time episode. pinahanga nanaman ng soul princess ang sambayanang pilipino dahil sa kanyang napakaganda at pambihirang bersion ng OPEN ARMS na pinasikat ng Hollywood singer na si Mariah Carey. Gaya ng mga nakaraan nyang production number sa programang party pilipinas nilapat ito ng makabagong bersyon o estilo upang umangkop sa pambihirang kakayahan ng soul princess. At gaya rin ng palaging ng yayari makapigil hininga nanaman ang ginawa nitong pag awit sa kantang naatas sa kanya. manonood sa studio lubhang napapanganga, napapahiway at napatayo nanaman nyang muli. Sa katunayan kahit ang dating director ng Party Pilipinas na si DIREK RICO GUTTIEREZ ay nabighani at napagtantong na-mimiss na daw niya ang boses ng soul princess. Pati na rin si Miss Lally na laging nanjan at sumusuporta sa mga singers ng syete napabilib nya din. Sa fanpage at twitter pinag uusapan din ang soul princess.

Dahil sa matagumpay na pag-awit ng dalaga. Di nanaman makapag hantay ang mga fans sa susunod na gagawin ng nag-iisang soul princess na si JONALYN VIRAY. Kapansin pansin din ang paganda ng paganda nitong pag labas sa programa. Napapadalas na ang kanyang mga solo spot or Production number sa nasabing programa.



No comments:

Post a Comment