ang concert na pinag usapan at tinutukan ng madla. Mula Teaser, Promotions, Pictorial, Rehearsals at nag trend sa TWITTER for top 2 position.
CERTIFIED SOLD OUT CONCERT. as in PUNONG PUNO. even sa gitna ng stair may nakaupo.
Link to support the testimonial above:
Twitter Trend Printscreen Shot:
Beyond Limits September 3, 2011
Music Museum 8:00PM
Presented by: Creative Media Entertainment
Musical Director: Soc Mina
Stage Director: Ernie Duque
Lighting Director: Joey Nombres
The concert start like 8:15pm. may mga nakapila pa kasi sa labas kea di agad nag start ang concert. And everybody excited sa concert. At ng dumating ang takdang sandali. Unang lumabas si JULIE ANN SAN JOSE sa audience balcony left part ng Music Museum. Sobra ang hiyawan ng tao dahil walang abiso ang panimula nito bigla nlng namatay ang ilaw at spotlight kay Julie lng ang bukas. Sumunod naman ay si FRENCHESKA FARR na ng galing nmn sa right side ng audience for class A seats. Na siya ding Hiyawan ng tao at sigawan ng kani-kanilang pangalan. May namataan pa nga kaming "LIGHTNAME" at nakasulat ay I LOVE FRECHESKA. Na nag padagdag sa "confidence" ni frencheska farr nung gabing iyon. At ang pinakahuling lumabas ay si JONALYN VIRAY sa entablado na lubhang nakaka WOW sa suot nyang 1 pc na mala bathing suite na damit at ang napaka garang HAIR STYLE na mala mariah at beyonce. Na siyang naging rason upang lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao.
At panandaliang namatay ang Ilaw at nag sama-sama silang kumanta sa "built-in" na hagdanan sa ibabaw ng entablado at sinimulang kantahin ang awiting "RUN THE WORLD (GIRL)" ni BEYONCE. Makapatid litid na ang hiyawan sa loob ng museo. Sinabayan pa ng "sensual, energetic and tempting" moves ng tatlo sa pagsasayaw ng awiting ito. Bilang isang taga pagmasid may isa akong napuna sa concert na ito. ALL OUT ENTERTAINMENT at ANG LAKAS ng CONNECTION nila sa AUDIENCE sa kadahilanang WALANG TELE-PROMPTER. Para sa kaalaman ng iba. ang TELE-PROMPTER ay isang "MONITOR" kung saan naka sulat o makikita ang mga lyrics ng kanilang awitin. Ito ay gumagalaw ayon sa pagkakasunod sunod ng awitin o sa kanilang susunod na linya or "dialog". Kung kaya naman walang ginawa ang tatlong dalaga kung di pag butihin ang kanilang awitin at bigay todo sa pagsayaw, dahil kabisado nila ang kani-kanilang part sa concert na to. WELL PREPARED IKA NGA.
Sa pag takbo ng concert may SOLO SOLO silang spot, may PARE PAREHA at ang TRIO. na siyang di sukat akalain na napakaganda ng chemistry ng tatlo. Dagdag pa dito ang napaka NATURAL na spills nila FRENCHESKA, JULIE at JONALYN. Kulitan, Asaran, Okrayan at Tawanang walang humpay. Madami na akong napanood na concert sa pilipinas pero isa ito sa masasabi kong NO DULL MOMENTS. Nakakabitin nga e. Gayunpaman gaya ng kadalasang ng yayari sa mga performances ni JONALYN ang ating IDOLO ang nakatangap ng STANDING OVATION ng gabing iyon sa awiting MC ARTHURS PARK. Napakaganda ng areglo ng kanta. At lubhang inangkop sa sariling timbre ng dalaga. At dahil concert nila itong tatlo papadaig ba naman si JULIE ANNE sa kanyang REMARKABLE RAP songs at ang magandang rendition nya ng CALIFORNIA KING BED. At syempre pa si FRENCHESKA FARR na inawit ang kanyang orihinal na awiting ISAMA MO AKO. Na sadyang napakalambing pakingan ng kanyang tinig sa awiting ito.
Nag tapos ang concert sa kantang S&M ni Rihanna at On the Floor ni Jeniffer Lopez. Palakpakan at hiyawan ang naging katapusan ng concert na ito. At bago pa tuluyang mag tapos ang concert may namataan kaming mga artista at bossing na sumuporta at nanuod ng concert.
1. Jay Perillo
1. Jay Perillo
2. Sheree
3. Bianca King
4. Gian Magdangal
5. Chynna Ortaleza
6. Ynna Assistio
7. DownToMars (group)
list of songs videos and images will be uploaded soon.
No comments:
Post a Comment