Friday, August 30, 2013

Jonalyn Viray admits My Husband's Lover made her song the "official anthem" of the lovelorn and broken-hearted

Jonalyn Viray on the unexpected success of her single "Help Me Get Over You": “Oo nga po. Base sa mga nakukuha naming positive feedback. Sobrang overwhelming po talaga na naging gano'n po yung response ng mga tao. Na… nagkaroon din ako ng isang song na tumatak talaga. Lalo na sa mga nasawi sa pag-ibig. So masaya po ako na marami ang nagkagusto sa song ko na iyon.”





Nag-tie sina Kyla at Jonalyn Viray bilang Best Performer at gayundin ang kani-kanilang team na Tropang Trending at Ligang I Like sa Best Performance kaninang hapon, August 25, sa Sunday All Stars (SAS).

Kapuna-puna na ang laki ng ipinagbago ng personalidad ni Jonalyn. Noong unang salta niya sa showbiz ay medyo kimi at mahiyain pa siya. Ngayon, tila palaban na at daring ang kanyang dating kung pagiging performer ang pag-uusapan.

“Hindi ko nga ma-imagine na yung mga ginagawa kong performances ngayon, kaya ko pala,” sabi nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show.

“Mas naging matapang na ako.”

MISSING HER LA DIVA COLLEAGUES. Nami-miss daw niya ang nabuong singing trio nila dati nina Maricris Garcia at Aicelle Santos na La Diva sa Party Pilipinas.

“Siyempre po paminsan-minsan, parang mapapaisip ako na… may mapapakinggan akong songs sa radio na maganda yung harmony.

“So parang… maiisip ko po yung mga dating ginagawa naming performances.

“But then, sa ngayon po ito muna ang gusto kong career path... na ituloy ko po kung ano yung nasimulan ko na,” pagtukoy niya sa pagiging solo artist niya bago nga nabuo ang grupong La Diva.

Marami rin nanghihinayang sa paghihiwa-hiwalay nilang tatlo. Maganda kasi ang kumbinasyon ng kanilang mga boses bilang singing trio.

“Oo. Siyempre hindi rin maipagkakaila na marami rin ang nanghihinayang. Maraming naghahanap na supporters na sana magkaroon ulit kami ng project together.

“Pero for now, humihingi po kami sa kanila ng pang-unawa... ng support sa bawat isa sa amin.

“Na… kung ano po yung napili namin ngayon na career path, sana po suportahan pa rin po nila kami.”

“Pero kahit nagkahiwa-hiwalay kami, happy naman kami sa nangyayari sa mga career namin sa ngayon. Kasi each of us, meron kaming kanya-kanyang pinagkakaabalahan,” paliwanag niya.

SOURCE:
http://www.pep.ph/news/40086/Jonalyn-Viray-admits-My-Husbands-Lover-made-her-song-the-official-anthem-of-the-lovelorn-and-broken-hearted?utm_source=twitterfeed&utm_medium=twitter

No comments:

Post a Comment