Tuesday, July 12, 2011

HOW TO SING EFFORTLESSLY? -Glaiza de Castro


Nakita namin tong tweet na to after show ng Party Pilipinas Wagas episode 07102011.

Mula sa twitter page ni Jonalyn Viray may isang "tweet" na nakaagaw ng aming pansin. Ang kapuso singer and actress at isa sa mga sikat na artista ngayon na si Glaiza de Castro ay pinupuri at hinahangaan ang soul princess. sinabi nya sa kayang tweet na IDOL. Nakakatuwang isipin at makita ang ganitong klaseng pangyayari at pagpapahalaga sa kapwa mo artista. Hindi maitatangi na isa din si Glaiza de Castro sa isa sa magagaling na mang aawit ng bagong henerasyon. sa katunayan nakatambal ni Glaiza ang songbird na si Regine Velasquez Alcasic sa telebabad na DIVA. Kung saan si glaiza ang mahipit na katungali ng songbird sa programang ito. Madalas din kumanta si Glaiza sa show na Party Pilipinas kung saan napansin niya ang kahusayan ng soul princess. Madami ng napapahanga ang soul princess sa kanyang ibat-ibang estilo ng pag awit. Kaya naman hindi nakakapag takang madami din ang gustong tularan ang kanyang gawi at pamamaraan. Para sa soul princess isa itong karangalan na maturuan at maibahagi ang kanyang nalalaman lalo na sa kapwa nya artista. At sa kabila ng papuri at pag papahalagang natatangap ng soul princess. Nananatili itong malambing, mabait at ang madalas na kumento sa kanya na "super down to earth" na artist si Jonalyn Viray...

No comments:

Post a Comment