Wednesday, July 13, 2011

SIMPLY JONALYN

S I M P L I C I T Y

madaming nakakapansin sa napakalaking pag babago na nagaganap sa buhay ngayon ng soul princess na si Jonalyn Viray. Mula sa kanyang kabi-kabilang show, concerts, pag awit at pati narin sa pag ganda ng kanyang karera. Madaming natutuwa sa mga ipinapakitang gilas ni jonalyn. pati ang kayang mga kapwa artista, katrabaho at mga fans ay nag uumapaw sa papuri sa kanyang husay at ugali. Sobrang lambing ng soul princess, lahat nakakasundo at nagiging kaibigan nya. Maganda ang ugali at kalooban wika ng karamihan. Madalas na napupuna sa kanya ay ang kanyang magandang ngiti. nakakahawa daw ito. At sa personal "bungisngisera" talaga ang soul princess. Kadalasan din itong mag JOKE at Magbiro. Kakulitan nyang madalas ang kanyang fans habang nag memeryenda at nag bobonding. Napaka maalaga ni jonalyn sa fans. Kahit saang bagay pinapahalagahan nya ang ginagawa ng kanyang taga suporta.

Madalas siyang naihahambing kay BEYONCE at MARIAH dahil sa kulay, pananamit, galaw at pag awit nito. Na siya namang kinatutuwa ng karamihan dahil ang kanilang idolo ay naihahambing sa mga lubhang magagaling na artista at mang aawit. Ngunit kung ating susuriin. May sariling "identity" ang soul princess. Sa kantunayan pati mga kantang kanyang inaawit ay kanyang pinag aaralan at nilalapatan niya ito ng kanyang sariling "style" or istilo. Hindi rin makakaila ang kanyang "exceptional" na boses na hinahangaan ng karamihan. Na kahit Prinsesa ng Brunei na si Pengiran anak ni Sara ay kanyang nabighani sa maganda nitong tinig. Sa kabila ng tinatamasang paghanga at papuring kanyang natatangap. Mas lalong nagiging payak ang buhay ng soul princess. Gayun paman lalong siyang hinagangaan dahil sa kanyang kakaibang GANDA at PERSONALIDAD.

the pictures shows how beautiful, simple yet sweet lady jonalyn is. ^_^

No comments:

Post a Comment