Monday, August 1, 2011

BIRIT KUNG BIRIT


Mula ng nag-simula ang BIRIT segment ng party pilipinas. Di na maubusan ng request ang kanyang fanpage at ang mismong PARTY PILIPINAS page upang mabigyan ng solo spot ang soul princess. madami ang nag aabang ang sumusubaybay sa dalaga. Ang kapansin pansin ang kanyang kahusayan sa BIRIT PROD na ito. Sinimulan ng "angels cry" nasundan pa ito ng "bring me to life" with full effects pa. ang standing ovation na "listen" at ang di mawala sa isip at pandinig ng lahat na "open arms" at kahapon lamang isang makalaglag pangang performance nanaman ang ginawa niya nilapatan ito ng kanyang sariling istilo at ito ay ang kantang "OUT HERE ON MY OWN"
soundtrack ito sa pelikulang "FAME" na nag pasikat sa artista/mangaawit na si IRENE CARA.

Madami ang naka-puna, natuwa at kumabog ang dibdib dahil sa inilagay si jonalyn sa huling parte ng segment na ito "save the best for last" ika nga. At hindi kami binigo ng soul princess. Pumailanglang sa buong studio ang huling birit na ginawa nito. halos tumagal ng 11 segundo ang pagbirit nito sa huling parte ng awit. Na siyang kinatuwa, at nag patayo sa mga tao. kahit mga kapawa nito artista lubhang humanga at bumilib sa galing ng soul princess. Idagdag pa dito ang pagkabilib ng mga Personalidad ng GMA7 na sina Ms. Annette Gozon and Nadia Montenegro na nanunuod din sa segment na ito.

SHE'S BREAKING HER OWN RECORD. Pag dating sa Vocal Abilities/Powers.

Malaking pasasalamat ng mga fans ni jonalyn na nagkakaroon ng chance ang soul princess na ipakita ang angking galing sa pag-awit. Lumilitaw ang kakaibang galing ng dalaga. At paniguradong madami pa tayong aabangan sa nag-iisang soul princess.

No comments:

Post a Comment