Sunday, August 7, 2011

IDOL SA KUSINA




IDOL SA KUSINA COMMERCIAL

video

Di lang sa pag birit may itinatagong galing ang ating soul princess. Pati sa kusina nag papakitang gilas din siya. Kanina sa IDOL KO SA KUSINA 7:10 pm GMA NEWS TV kasama ng soul princess si CHEF PABLO sa pagbirit sa kusina. At kitang kita sa commercial na ito na mahilig pala sa madaming "PEPPER" ang idolo natin. Na xa namang pinag bigyan ng MASTER CHEF. Alam ng soul princess ang timpla sa mga awitin alam din kaya niya ang tamang timpala sa kusina? isang DIVALICIOUS na putahe ang ihahanda ng soul princess. Ano kaya ito?
THE SHOW


Honeyed Baby Back Ribs: Ito ang putaheng inihanda at pinag aral ng soul princess with Chef Pablo. Sa show kapansin pansin ang pagiging focus ni Jonalyn at pakikinig sa mga ginagawa ng master chef. At hindi din siya nahihiyang mag bigay ng kanyang palagay at suhistyon sa naturang lutuin. Pepper at Jonalyn Ketchup ang pinag initan ni jonalyn para sa kanyang kakaibang lutuin. na pinag bigyan naman ng master chef dahil sa tingin nito ay tama naman ang palagay ng dalaga.

Napakaganda din ng sagot ng soul princess sa tanong ni chef pablo about sa TUNA. Very informative, base narin sa sarili nyang experience pag dating sa lutuing TUNA. Alam nyo ba na isa sa paboritong kainin ni jonalyn ay PANGA ng TUNA? ito ay aming natuklasan ng kami ay napunta sa DAVAO at hinainan kmi ng kakaibang putaheng gawa sa tuna. Kaya masasabi kong mapagmasid o mapagmatyag talaga ang dalaga pag dating sa kanyang pagkain.

Nakakatuwang isipin na ipag luluto ka ng idolo mo. Ano kaya ang mararamdaman mo kung si JONALYN VIRAY mismo ang mag hahanda ng hapagkainan ninyo?

ENJOY WATCHING!

No comments:

Post a Comment