Thursday, August 11, 2011

UNCOVERED 2 The Show


WOW! that was a very very and major major performance LEVEL at xempre hatid ni jonalyn viray.

The show started exact 12mn. Dahil nag perform pa ang RO4 at ang THE TRIPPERS. Pero wala pang 9pm Punong puno na ang venue, at walang tigil at patid parin ang pag dating at pagpasok ng mga tao sa RnB Music Venue. May mga nakaupo at may mga piniling TUMAYO nlng para makisaya sa kakaibang show na ito. Sa dalawang Grupo palang buhay na buhay na ang crowd. And lahat sila excited sa MAIN EVENT at yun ay ang UNCOVERED 2 ni JONALYN VIRAY.

Lahat kami excited sa gagawin ni Jonalyn Viray. Kasama na din dito ang Pag-aalala dahil May sakit si Jonalyn the few days before the show. Malat at hirap mag salita si Jonalyn ng araw mismo ng kanyang show. But still THE SHOW MUST GO ON. At hindi kami binigo ng soul princess. Isa ito sa ikinagulat namin dahil pag intro palang nya Birit agad ang sumalubong samin. Na siyang nag-pahanga sa mga tao sa loob ng venue.


Matapos ang Intro ng kanyang awitin ay mina-malat nyang binati ang mga pumunta at ang kanyang mga manonood. Patunay na nang galing ito sa sakit at hirap pa din magsalita. Pero WaLANG BAKAS NG PAGHIHIRAP sa pag awit ang dalaga. Sa katunayan, Ang tataas ng awiting kinanta niya sa kayang show. Kasama na ang Open Arms at Bring Me To Life na sarili nyang COVER at nag HIT ng ilang ligo sa youtube at Laman at pinag usapan sa twitter at facebook. Todo Birit ang ginawa ng dalaga. Kasabay nito ang sigawang walang humpay sa bawat huling parte ng awit. Isang nag pasabik sa programa ay ang kanyang pag RAP na lubhang akma sa kanyang magandang tinig. Di namin inaasahang gagawin nya sa show, malayong malayo ito sa mga nakagawian nyang gawin sa Party pilipinas. Dahil sa RAP na ginawa ni Jonalyn napatayo ang mga manunuod at naki sayaw sa dance floor. DINUMOG at TALAGANG pinagkaguluhan ang soul

princess kabikabilang flash ng camera at lahat ng cellphones ay nag vivideo. para makuhanan ang napakasayang sandaling iyon. may mga nag tululakan at nag siksikan dahil sa pananabik at saya. Habang pataas ng pataas ang energy nakipag showdown pa ang dalawang audience sa soul princess habang kumakanta ng ON THE FLOOR. Lahat nag hihiyawan dahil ipininamalas ni jonalyn ang GALING SA PAGSASAYAW. Alam nating lahat na magaling sumayaw si jonalyn at ginamit nya ang kanyang talento sa pagsasayaw ng gabing ito. Para nga syang SEXBOMB at BEYONCE kung gumalaw. Kaya lahat ay nainganyo maki-indak sa mga fast song na inawit ng dalaga.

Dahil sa iyon ay Pampanga City Madaming banyagang napabilib ang soul princess naki picture at naki sayaw. Na siya namang ikinatuwa ng dalaga dahil sa Mainit na pag tangap ng mga tao sa kanya. SUCCESSFUL at LIVELY ang BUONG SHOW. SUPER THUMBS UP!


‎JONALYN VIRAY UNCOVERED 2 LINE-UP
1. Halo - Beyoncé
2. The Best Thing I Never Had
3. California King Bed
4. Emotions (DC)
5. Someone Like You /
6. Edge of Glory (medley)
7. Super Bass
8. Bring Me to Life
9. Open Arms
10. On the Floor.



---------------------------more photos and video clips will be uploaded soon ---------------------------------

No comments:

Post a Comment