Tuesday, August 16, 2011

THE RISK TAKER

ANOTHER SUPER B from JONALYN VIRAY sa party pilipinas basa episode 101411.


Ang Dating BIRIT PROD ng PARTY PILIPINAS ay ginawa ng VOX (VOCAL EXCELLENCE) kung saan lahat ng singers ng programang ito ay isa isa aawit para sa segment na ito. Muling nilagay pang huling bahagi si jonalyn viray para sa pang finale'ng kanta na COME ON IN OUT OF THE RAIN. Alam nating lahat na mataas at maganda ang kantang ito. At ganun din ang ginawa ng ating idolo at hinigitan nya pa ito sa kanyang huling birit. Ayon sa mga experto na hit ni jonalyn viray ang note na A5 for 6 secs sustained. At dahil dito sabay-sabay nagtayuan ang tao sa studio na parang nabigla sa ginawa ng dalaga. may mga tumatalon pa nga kasama na ang inyong lingkod. di namin mapigil ang pagkasabik at pagkamangha sa ginawa niyang birit. At kitang kita ito sa telebisyon bilang patunay. Para sa kaalaman ng nakararami may sakit si jonalyn ng araw na ito. malat siya at di makapagsalita ng maayos. kapansin pansin na di ininda ng dalaga ang sakit para mabigyan tayo ng dekalidad na musika. AYON SAMIN RELIABLE SOURCE: nung araw mismo ng rehearsal ng VOX hindi binirit ni jonalyn ang huling parte ng awit gaya ng nakagawiang pagsasanay. Sa katunayan ang lahat ay nakatutok kung pano ibibirit ni jonalyn ang huling parte ng awitin sa araw ng rehearsal. Ng dumating na ang pagkakataon at dapat ng bumirit ni jonalyn dahil ito na ang mataas na parte. Napatingin at nag abang ang lahat, ngunit biglang nag "BOW" si jonalyn at sinabing bukas nalang. Tawanan at kulitan ang naganap dahil dito. Binibitin daw ni jonalyn ang kayang kapwa artista. Na siya namang sumurpresa sa atin sa araw ng kanilang pagtatanghal. SOLID A5 ika ng karamihan. na si jonalyn at regine velasquez palang daw ang nakakagawa dito sa pilipinas ng solid na birit. At alam din nating lahat na isa din si regine velasquez alcasid sa mga RISK TAKER na kumakanta kahit malat at wala sa kundisyon ang boses. Sa ngayon dalawa na silang mangaawit ang nasaksihang kong kayang kaya mag RISK para sa dekalibreng awitin. REGINE VELASQUEZ ALCASID at JONALYN VIRAY. mga risk taker ng pilipinas...

-------------------------videos will be uploaded soon -------------------------------

1 comment:

  1. Pareho kong inabangan sa singing contest c ms. Regine at c ms. Jonalyn pareho nla akong napahanga c ms. Regine sa ang bagong kampeon at c ms. Jonalyn nman sa PPS, pareho ko silang bet. Sa tingin ko mrrting din ni ms. Jonalyn kung ano un naabot ni ms. Regine walang duda sya na nga ang susunod sa yapak ni ms. Regine.

    ReplyDelete